Friday, April 24, 2015

Kalayaan ang pinakamataas na adhika ng sinumang nilalang

        Ito'y ibabahagi ko sa inyo upang maalaala natin ang ilan sa mga mahahalagang bagay na di natin ipagwalang bahala. Kung baga ito ay parang mind refresher.. Sinulat ito ni Ginoong  Francisco Vasquez. 
        Tungkol ito sa Dakilang hari sa kaniyang kapanahonan noon sa palasyo ng Gresya noong ika-4 na siglo o fourth century. Lahat ng mahahalagang bagay ay nasa hari na, subalit may mga pangyayari na nakalimutan ang mahal na hari.
         Kung anuman ang bagay na nakalimutan ang hari, tuloy sa pagbasa sa ibaba.
..................

            Ang pagtatamo ng kalayaan ay siya nang pinakamataas na adhika ng sinumang nilalang. Hayop ma’y naghahangad din ng kalayaan. May mga hayop na kapag di nakalaya’y nagpapatiwakal. Ano naman ang nangyayari sa tao kapag di nakalaya?

            Isang matandang kasaysayan ang nag-uulat na noong apat na siglo pagkatapos ipanganak ni Kristo, ang bansang Gresya ay isa sa pinakamagandang kaharian sa buong daigdig. Ang kinikilalang hari sa panahon iyon ay tumutugon sa pangalang Fernando, ang Dakila, na nakatira sa isang palasyong wala pang kapantay sa buong sansinukob. Ang palasyong iyo’y nakatirik sa isang matayog ngunit piñata na bundok na ang sukat ay umaabot sa limang ektaryang parisukat.


            Sinasabi na sa loob ng bakuran ng palasyo ng Haring Fernando ay makakakita ng mga di-karaniwang bagay na likha ng hindi madalumat na kalikasan. May mga halaman doon na ang mga bulaklak ay tunay na mga ginto at pilak, ngunit ang kabanguha’y umaabot hanggang sa kasuluk-sulukang higaang silid ng mahal na hari. May isa roong batisan na ang malinaw na tubig ay maaaring panalaminan ng isang taong nakaupo sa kanyang pampang na niyari sa mapuputing marmol. Sinabi rin na sa lalim na dalawampung talampakan, ang lalo mang kaliit-liitang karayom ay maaaring makita sa kanyang kailaliman.
            At hindi lamang ito, magmula sa kaliit-liitang ibon hanggang sa kalaki-lakihang hayop ay makikita sa bakuran ng palasyong yaon. Gayundin, may isang halamanan doon na natatamanan ng lahat ng punongkahoy, damo, at mga baging man na may kanikaniyang pangalang tinaglay. Kaya’t sa dami ng dumarayong mga hari na buhat sa ibang kaharian, ang Haring Fernando ay nagpatayo ng malaking kaibigang nagnanasang makasaksi sa kagandahan ng kanyang kaharian at palasyo.
            Kung may mga haring magbabakasyon sa kaharian ng Haring Fernando, ay kasama ng nasabing mga hari ang kanilang gabinete, mga tagapagtala, makata, at manunulat na piling-pili sa kanilang kaharian upang sumulat ng mga balita lathala at mga aklat ukol sa mga sukat nilang makitang kahanga-hangang bagay sa loob ng walang kasinrikit na palasyong yaon. Ang buong maghapo’y ginugugol nila sa mga pamamasyal sa loob at labas ng palasyo upang kumuha ng mga talang karapat-dapt na ibunyag sa buong daigdig. At kung ang isang nagbabakasyong hari ay matapos na sa kanyang mga kailangan sa kaharian ng Haring Fernando, babalik siya sa kanyang bansa upang ipakalat ang mga mahahalagang talang natamo niya roon.
            Subali’t isang araw nang nasa panahong ni isa mang hari ng ibang bansa ay walang nagbabakasyon sa kanyang kaharian, ang Haring Fernando, pagkagaling sa kanyang aklatan, ay lumabas na halos namumula ang mukha sa malaking galit. Nagtuloy siya sa kaniyang silid at madaing ipinatawag ang kanyang mayordomong si Mariano. Hindi naman naglipat sandal at dumnating ang mayordomo ng palasyo na noo’y kinakabahan ang dibdib sa karahasan ng pagpapatawag ng hari. Pagkatapos maibigay ang kaukulang galang ni Mariano, ang Mahal na Hari ay nagsalita.
            “Sa lahat ng mga aklat na tinatanggap ko buhat sa mga haring kumukuha ng mga ulat ditto sa ating kaharian, kung bagamat pinupuri ang lahat ng kanilang mga nakikita, ay may binabanggit na isang bagay silang hinahangaan na hanggang sa mga sandaling ito’y hindi pa nakikita ni nalalaman.”
            “Ano raw pong bagay yaon, Mahal na Hari?” ang tanong ng mayordomo na ang ulo’y nakatungo samantalang tinatalasan ang kanyang tainga sa isasagot ng panginoon.
            “Hindi ba’t lahat ng uri ng ibon sa buong mundo ay mayroon tayo sa loob ng bakuran an gating palasyo?” ang marahas na wika ng Mahal na Hari.
            “Opo, mahal na Hari.”
            “Natitiyak mo?”
            “Natitiyak kop o, Mahal na Hari.”

            “Kung gayo’y nagsisinungaling ka sa akin,” at nanguot ang noon g Haring Fernando. “May isang uri ng ibong wala tayo sa loob ng palasyo. Isang ibon na kung umawit sa katahimikan ng gabi ay nakapagpapatiglaw ng kalungkutan at nakapagpapalungkot sa gitna man ng nag-aalimpoyong poot.”
            Ipinahayag ng Mahal na Hari sa kanyang mayordomo na ang mga aklat na sinulat ng mga manunulat at makata ng mga kahariang nakarating sa kanyang palasyo ay nagkakaisa ng palagay na ang ibong Tinagbi ay siyang lalong kahang-hangang bagay sa loob ng isang kaharian kaysa sa lahat na maraming nasaksihan niula sa loob ng bakuran ng palasyo.
            “Kaya’t sa loob ng tatlong araw,” patuloy ang marahas na pangungusap na Hari, “kailangan kong marinig ang awit ng ibong yaon. Kapag hindi mo natupad iyan, hindi lamang ikaw ang magkakamit ng parusa kundi lahat ng mga tauhan sa buong palasyong ito.”
            Pagkatanggap ng kanyang mahigpit na babala, umalingawngaw sa buong palasyo ang tunog ng pakakak. Hindi naglipat-sandali’t ang mga utusan at mga manggagawa sa loob ng palasyo ay nagkatipong lahat at pinakinggan ang ibinabang utos ng mahal na Haring Fernando.
            “Sino sa inyo ang nakakita o nakabalita na sa loob na ating kahariang ito’y may uri ng ibong wala pa sa bakuran n gating palasyo?”
            Walang umiimik kahit isa. Mandin, ang lahat ay nag-iisip. Nagpatuloy sa pagsasalita ang mayordomo.
            “Ang ibong yao’y may isang tinig na sapat makapagbigay ng ugod sa isang namamanglaw, at nakapagpapatulo ng luha ng isang nakikinig na nasa gitna ng kapootan. Mangag-isip kayo, mga kampon ko,” ang patuloy ng mayordomo. “Nasa bingit tayo ng mabibigat na parusa kapag sa loob ng tatlong araw ay di natin naisipot at napaawit sa harap ng Mahal na Hari ang ibong Tinagbi na lubhang nakapagpahanga sa mga iba’t ibang haring nagsipagbakasyon ditto sa atin.”
            Lumipas ang mahabang sandal. Nang ang malaking kapulungang yao’y tahimik na tahimik ay sang tinig babae ang kanilang naririnig buhat sa malayo.
            “Kung hindi po lamanh pati ako’y mararamay sa parusa ng Mahal na Hari,” anang malakas na tinig ng matandang utusang si Claudia, “patayin man ninyo ako’y hindi ako magsasabi ng aking nalalaman.”
            “Kaming lahat ang papatay sa iyo,” ang galit nag alit na sigaw ng marami, “kapag hindi mo maituro ang kinaroroonan na ibong hinahanap ng hari.”
            “Papaano at bakit mo nalaman ang kinaroroonan ng ibong ipinahahanap ng Mahal na Hari?” ang tanong ni Mariano.
            “Wala na po akong maipaliwanag,” at nagkamot ng ulo ang matandang utusan. “Kung kayo ay sasama ay sumama kayo sa akin mamayang gabi, at pakikiusapan natin ang ibong para siya’y madala sa ating palasyo.”
            “Papaano ang gagawin nating pakiusap?” ang pamanghang tanong ng mayordomo. “Marunong ba ng salitang tao ang ibong yaon?”
            “Marunong pa pong magsalita kaysa mga hangal na itong kaharap natin ngayon,” at itinuro ang mga kasamahang ayaw maniwala sa kanyang sinabi.
            “Doon ka na naming ililibing,” ang sigaw ng isang hardinero. “Magdadala kami ng pala at bareta na gagamitin sa paghukay ng iyong sariling libingan.”
            Nang sumapit ang ika-8 ng gabi, maliban sa isang utusang itinalaga ng mayordomo, ang lahat ng tao sa palasyo ay parang mahabang prusisyong naglalakad sa mga lansangan. Ang utusang si Claudia ang nangunguna na kaakbay ng mayordomong si Mariano. Sa tuwing makakarinig sil ng huni ng ibon, si Claudia’y tinatanong ng kanyang katabi. Madali naming sumasagot si Claudia.
            “Yoon po’y huni ng bayakan.” Yaon po’y huni ng kuwago.” Yaon po’y awit ng tiktik.”
            At pagdating nila sa pagitan ng isang mahabang burol, sa malabay na puno ng sipres, ang lahat ay pinahinto ni Claudia.
            “Tigil tayo rito,” ang malakas na sigaw ni Claudia, “magsidapa kayong lahat; ako lamang ang hindi.”
            Ang mayordomo ang unang dumapa, sapagka’t siya ang unang may malaking malasakit na mahuli ang ibong kailangan ng Mahal na Hari. Halos laitin si Claudia ng kanyang mga kasama sapagkat ipinalagay nilang kaululan ang sa kanila’y ipinagagawa.
            Walang anu-ano mula sa isang malabay na puno ng sipres na kinasisilungan nila, ay nakarinig sila ng isang matamis na awit ng ibon. Iyan na nga ang sinasabi ng mga hari sa ibang bansa. Diyan sa ibong iyan sila humahanga; diyan sila nalulugod. Ang lahat ay taimtim na nakinig. Lahat sila na na kani-kanila lamang ay nagkikimkim ng malaking galit kay Claudia ay lumuluha ngayon sa laki ng kasiyahan sa awit ng ibong napapakinggan nila.
            Natapos ang awit ng ibon. Napatunayan nilang may katwiran ang kanilang mga nagging panauhin sa palasyo. Sa loob ng bakuran nila’y wala ngang gayong uri ng ibon. Tumayo si Claudia. Mahinahong-mahinahon ang kanyang tinig.
            “Mahal naming ibon,” ang simul ng matandang utusan, “kailangan ka ng mahal na Hari sa loob ng palasyo; ibig niyang awitan mo siya, Ibig niyang makilala ka niya upang gantimpalaan ka ng mahalagang bagay na hindi mo sukat akalain.”
            Sumagot ang ibon. Maliwanag ang kanyang tinig at pangungusap.
            “Karangalan kog malaki ang makarating sa loob ng palasyo ng Mahal na Hari, ngunit baka hindi ako maging karapatdapat sa kanyang Kadakilaan.”
            “Maawa ka sa amin, mahal naming ibon,” ang wika uli ni Claudia na tumutulo ang luha. “Parurusahan kami ng Mahal na Hari kapag hindi ka nimin nadala sa palasyo ngayong gabi.”
            “Oo, sasama ako sa inyo,” ang maliwanag na sabi ng ibon, “ngunit sabihin mo sa Mahal na Hari na hindi ko kailangan ang kanyang gantimpala. Ang tanging ibig ko’y madulutan siya ng kaligayahan.”
            Kinabukasan, ang pumukaw sa pagkakahimbing ng Haring Frnando ay ang matamis na awit ng ibong hinahangaan ng mga hari sa ibang lupain. Sa tamis na awit na yaon ng Tinagbi ay napaluha ang hari, nanuot sa kanyang mga ugat ang tining na yaon, na sa buong buhay niya’y noon lamang niya napakinggan. Noon niya napatunayang karapat-dapat nga palang humanga ang mga taga ibang lupa sa ibong iyon.
            “Mahal kong ibon,” ang wika ng Hari, “dumito ka na sa palasyo ko’t ipagpapagaw kita ng hauling ginto. Pakakainin kita ng masasarap. Pababantayan kita at paaalagaan sa aking mga alagad.”
            At mula noo’y ipinagpagawa nga ng mahal na Hari ng napakarikit na hauling ginto ang marikit na ibong yaon. Ipinagpagawa rin siya ng dalawang galang na nakasabit sa dalawa niyang paa. Mayroon pa rin siyang  marikit na kuwintas na gintong nakasabit sa kanyang leeg. Kung siya ay ipinapasyal sa bakuran ng palasyo, labin-dalwang alagad ng hari ang may hawak ng mga lasong may ibat ibang kulay na nakatali sa kuwintas sa leeg ng ibon.
            Ang gayong nakaiinggit na buhay ay di naging masarap sa kalooban ng ibon. Ibig niya’y makalipad. Ibig niya’y kumain ng angkop sa kanyang panlasa. Sa gayo’y unti-unting lumungkot ang awit ng ibon at lalo namang naiibigan ito ng hari.
            Isang araw, ang Haring Fernando’y tumanggap ng isang magandang alaala buhat sa kaibigang hari ng Portugal. Nang buksan niya ang kinasisidlang malaking kahon ang laman ay isang ibong yari sa lantay ng ginto. Ang gintong ibon ay kamukha ng ibong Tinagbi na umaawit nang katulad ng tunay na ibong nagbuhay sa kaparangan.
            Sa gayo’y natuwa ang hari. Tila lalong namahal sa kanya ang gintong ibong yaon, sapagkat ano mang oras na ibigin niyang marinig ang awit ay maaari, pihitin  lamang ang susing kinakailangan—hindi na katulad ng tunay na ibon, na hinihintay na lamang niya kung kailan ibig umawit. Buhat nang dumating ang ibong ginto, ang tunay na ibon ay bahagya nang matapunan ng pansin. Hindi na ito pinabantayan hanggang sa ito ay umalis nang hindi nila nalalaman at hindi na rin hinahanap ng Hari, sapagka’t may kahalili na sa ano mang oras niyang ibig paawitin.
            Ngunit nang lumaon ay lumuwag ang kuwerdas ng ibong ginto. Nagbago ang tamis ng tunog hanggang sa nawala na ang tinig na kanyang kinawiwilihan. Sa gayo’y nagkasakit ang Hari. Hinanap ng kanyang loob ang awit ng tunay na ibong umalis nang walang paalam. Ipinahahanap niya ito sa mayordomo nguni’t hindi na nakita.
            Isang umagang-umaga’y dumapo ang Tinagbi sa palababahan ng palasyo at umawit nang lalo pang matamis kaysa rati. Sukat na sa umawit na ito’y lumakas ang Hari. Nakabangon siya at niyapos ang ibon.
            “Dumito ka na sa aking palasyo, mahal kong ibon,” ang sabi ng Hari. “Ikaw ang nagdugtong ng aking buhay. Huwag ka nang umalis sa aking piling. Ang lahat mong ibigin—ang lahat mong mahiling ay hindi masisira.”
            Nagbuntong hininga ang ibon bago tumugon.
            “Mahal na Hari,” ang kanyang wika, “malaking karangalan ang ako’y matira rito sa inyong palasyo, nguni’t… ibig ko sana, Mahal na Hari na palitan tayo ng kaligayahan. Aawitan ko kayo sa kasunduang ako nama’y inyong palalayain, sapagka’t ang kalayaa’y siya nang lahat sa aking buhay. Ibig kong lumipad sa kalawakan nang walang tagikaw ang aking mga paa at leeg. Ang ibig ko’y kalayaang wala sa loob ng isang haula. Ang ibig ko’y isang tunay na kalayaan—wagas na kalayaan sapagka’t sa lahat ng may buhay sa ibabaw ng lupa’y kalayaan lamang ang tanging makapagpaligaya.”
            Napasigaw sa malaking tuwa ang Mahal na Hari. “Buhay ngayo’y magiging malaya ka sa paglipad at sa paghahanap ng ibig mong makain. Hindi ka na kukulungin sa haula, hindi na kita pababantayan. Lumipad ka sa lahay ng pook na ibig mong liparin, nguni’t babalikan mo lamang ako rito sa palasyo upang ako’y iyong awitan. Nadurugtungan ng iyong awit ang aking buhay.”
            At buhat noo’y naging malaya ang ibon at maligaya naman ang Haring Fernando.

           At sana ito ay nakapagbibigay ng kahit kunti kaalaman at naging sariwa sa ating isip ang mga makapagpalaya sa tao maging sa ibon man.

           Dito sa video sa loob ng link na ito http://goo.gl/va6pNY ay paraan din para lalong makapagbibigay kalayaan sa iyo kapag ginamit mo nang exacto o tama. 

               Kung nais mong magkaroon ng account, ito ang tingnan mo: 

No comments:

Post a Comment